Historyang Paglalakbay

Ang Vigan ay matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos (Region 1) sa hilagang kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur. Ang Vigan ang isa sa ipinagmamalaki ng mga, ika nga’y, “solid north”. Ito kasi ang isa sa pinakamatandang lugar sa Pilipinas na itinayo pa noong huling bahagi ng 1500 sa panahon ng pananakop noon ng mga Kastila. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang itsura nito kaya naman kinilala nang husto ng UNESCO at binansagan itong “UNESCO World Heritage site”.

Ang Calle Crisologo na matatagpuan sa Vigan ay kilala dahil marami kang makikita na makasaysayang mga bahay at mga gusali na may pinaghalong impluwensya ng Asyano at Europeo. Ito ay tinaguriang bilang isang “Best reserved Spanish colonial town” dahil sa iyong paglalakbay para ka na ring naglakbay sa panahon kung kailan sinakop ng mga Kastila ang ating bansang Pilipinas. Sa iyong pagbisita dito, ika’y mamamangha sa iyong makikita lalong lalo na sa mga gusali at sa itsura nito. At dahil na din sa mga taong nag-alaga dito na hindi ito pinabayaan kaya naman napanatili nila ang kalumaan at kasaysayan ng lugar na ito.

Ang Calle Crisologo ay isang pangunahing atraksyon na matatagpuan sa Vigan, Ilocos Sur. Sa Calle Crisologo ng Vigan ay naroon ang humigit-kumulang na 150 na bahay gawa sa mga bato. Makikita sa mga ito ang galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon ng modernong materyales at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Ang bahay na bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas bumisita sa rehiyon ng Ilocos. Ang bubong nito ay yari sa tisa habang ang ikalawang palapag at ang sahig ay yari sa kahoy. Marami sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga hotel o museo. Hindi lang ito ang iyong makikita kundi pati na rin ang mga iba’t ibang pwesto na nagbebenta ng mga produkto ng Vigan, Ilocos Sur at mga establishimento na pwedeng makainan ng iyong pamilya at kayo ng mga barkada mo.

Dito sa Calle Crisologo, hindi lang ang pag papasyal ang iyong pwedeng gawin kundi pwede ka rin sumakay sa kalesa kung saan makakalibot ka sa mahabang kalye ng Calle Crisologo na hindi ka napapagod dahil sa ganitong transportasyon para pagkakitaan ng mga tao doon. Sa iyong pagbisita doon, pwede kang kumuha ng maraming litrato ng lugar lalong lalo na kung ikaw ay turista dahil magsisilbi iyon na souvenir sa iyong pag alis sa Calle Crisologo. Mas marami ang naaaliw sa kalyeng ito sa gabi dahil tila mas buhay na buhay ang itsura nito na madalas lamang makita ng marami mula sa iba’t ibang larawan o napapanood lang sa telebisyon o kahit sa social media.

Taon-taon ay parami nang parami ang mga dumarayo rito dahil sa iba’t ibang atraksyong matatagpuan sa lungsod. Ang Calle Crisologo ay ang pinaka pangunahing lugar na dinadagsa ng mga turista dahil kapag ikaw ay bumista dito tiyak na matatanggal ang iyong pagod. Iba ang iyong magiging karanasan sa lugar na ito dahil sa itsura nito ay parang ayaw mo ng bumalik sa realidad ng iyong buhay at sa lugar na ito ay bibigyan ka ng magandang alaala na kasama ang iyong pamilya o iyong mga barkada. Malayo man ang Calle Crisologo, tiyak na babalik-balikan niyo ito at hindi kayo mag sasawa sa itsura nito dahil pinapakita nila ang kultura at kasasayan ng Pilipinas.


Follow My Blog

Get new content delivered directly to your inbox.

4 thoughts on “

  1. Mahusay! Maganda ng nilalaman ng iyong travel blog! Sa iyong blog, nakita ko ang ganda ng Ilocos lalo na ang Vigan! Ang aking mairerekomenda upang mapaganda ang iyong blog, mas mainam kung ang mga larawan na iyong nilagay ay hindi naka-collage upang mas makuha ng atensyon ng madla habang kanilang binabasa ang iyong travel blog. Sa kabuuhan, maganda ang nilalaman ng iyong travel blog! 🙂

    Liked by 1 person

Leave a reply to formosoabm Cancel reply

Design a site like this with WordPress.com
Get started